PatrolPH

3 patay sa pagsalpok ng trak, 2 tricycle sa Bataan; 5 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2021 06:48 AM

Watch more on iWantTFC

Tatlo ang patay habang 5 ang sugatan matapos salpukin umano ng 1 tanker truck ang 2 tricycle sa kahabaan ng bypass road sa Barangay Baseco sa bayan ng Mariveles, Bataan Lunes ng umaga.

Sa kuha ng CCTV, makikitang mabilis ang takbo ng truck na sinalpok ang 2 tricycle na nasa harapan nito bago bumangga sa isang bahay.

Dead on the spot ang drayber ng isa sa mga tricycle matapos itong makaladkad ng tanker. Sugatan naman ang drayber ng isa pang tricycle pero namatay ang 2 pasahero nito.

Sugatan din ang mag-inang nagtitinda sa gilid ng kalsada. Nagtamo rin ng sugat ang 1 ginang na nasa loob ng bahay kung saan sumadsad ang truck.

Ayon sa kapitan ng Barangay Baseco, accident-prone ang lugar.

Agad naman umanong rumesponde ang Bureau of Fire Protection. Kasalukuyan pang inaalam kung paano maaalis ang natapong diesel sa kalsada.

Mahaharap sa patong-patong na kasong multiple homicide, multiple physical injury at damage to property ang drayber ng truck na kasalukuyang nagpapagamot sa ospital matapos magtamo ng sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan. — Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.