Trak bumangga sa simbahan sa Zamboanga del Sur, 6 patay

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2019 09:40 PM

SAN MIGUEL, Zamboanga del Sur – Anim ang patay nang bumangga ang isang trak sa isang simbahan sa Barangay Limonan, sa bayan ng San Miguel, Zamboanga del Sur Sabado ng hapon.

Kabilang sa tatlong dead on the spot ang isang dalawang taong gulang na bata.

Magkamag-anak ang mga biktima na dumalo sa isang kasalan sa bayan ng Buug sa Zamboanga Sibugay at pauwi na sana sa Bayan ng Tabina, Zamboanga del Sur nang mangyari ang aksidente.

Ayon sa hepe ng San Miguel Police Station, madulas at may kurbada ang daan na maaring naging dahilan kung bakit nawalan ng kontrol ang driver ng trak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.