Pulis, patay sa aksidente sa motorsiklo sa Occidental Mindoro

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2019 11:11 PM | Updated as of Oct 28 2019 11:24 AM

MAYNILA - Nasawi ang isang pulis matapos sumalpok ang sinasakyan niyang motorsiklo sa isang puno sa Barangay Poblacion sa Calintaan, Occidental Mindoro Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Ronald Hilario Ani na nakadestino sa Mamburao Municipal Police Station.

Ayon kay Police Lt.Col. Soc Faltado, public information officer ng Police Regional Office 4B, binabagtas ni Ani ang national highway sakay ng motorsiklo.

Nang nasa pakurbang bahagi ng kalsada, nawalan ito ng balanse at sumalpok sa puno.

Tumilapon si Ani at nagtamo ng mga pinsala sa katawan na nagresulta sa kaniyang pagkamatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.