Binuksan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang isang pasilidad na nag-aalok ng libreng serbisyo sa mga nangangailangan ng dialysis, ang pinakamalaki sa bansa.
Kayang serbisyuhan ng Flora V. Valisno de Siojo Dialysis Center sa loob ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo ang nasa halos 100 pasyente.
Nasa 91 dialysis machine ang matatagpuan sa nasabing pasilidad.
Unang binuksan ang pasilidad ni dating Manila Mayor Alfredo Lim. Ipinangalan ito sa kaniyang inang si Flora Valisno de Siojo.
Higit na pinalawig ang serbisyo ng center sa ilalim ni Mayor Franciso "Isko Moreno" Domagoso.
"Natutuwa ako sapagkat talagang lahat ng department heads, particularly sa health care facility, ay hindi na rin yata natutulog," ani Moreno.
"We're happy that we came up with the new dialysis center [and] blood bank," aniya.
Mayroon ding 4 na sasakyan na maaaring magbiyahe sa mga pasyente mula sa kanilang bahay papunta sa dialysis center at pabalik. -- Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, kalusugan, dialysis, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Isko Moreno, Alfredo Lim, Maynila, TV Patrol, Abner Mercado, TV Patrol Top