P13.6-M halagang 'shabu' nasamsam sa 5 suspek sa Zamboanga

ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2019 03:32 PM

The buy-bust operation yielded 2 plastic bags of shabu and 6 cellphones from 5 high-value drug targets. PDEA-Zamboanga

ZAMBOANGA CITY -- Nasamsam ang nasa P13.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa 5 high-value drug targets sa lungsod na ito, Linggo.

Nakuha mula sa mga suspek ang 2 plastic bag ng shabu na may bigat na 2 kilo at 6 na cellphone.

Patuloy ang imbestigasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-Zamboanga kung sino ang supplier ng ilegal na droga.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. -- Ulat ni Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.