Top most wanted sa Northern Samar, arestado sa Davao

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2018 10:01 AM | Updated as of Oct 27 2018 12:21 PM

DAVAO CITY – Arestado ang sinasabing top most wanted person ng Northern Samar sa isinagawang Oplan Kalinaw ng Toril Police sa Purok Santolan dito nitong nakaraang Miyerkoles.

Nahaharap sa 4 counts of rape ang 45 anyos na suspek matapos umanong gahasain ang dalawang anak na menor de edad sa Samar.

Ayon sa pulisya, magtatatlong taon nang pinaghahanap sa Samar ang suspek.

"Nalaman natin na nagtatago dito itong taong 'to na galing Samar. Kaya pina-validate namin sa Samar so naging positive na top most wanted sa kanilang lugar," ayon kay Insp. Rikki Obenza.
 
Tipid naman na sumagot ang suspek nang tanungin kung totoo ang mga paratang laban sa kaniya.

Ililipat naman sa kustodiya ng Northern Samar Police ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.