Lalaki patay sa pamamaril sa Negros Occidental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2018 10:20 AM

HIMAMAYLAN CITY, Negros Occidental – Isang dating kasapi ng New People’s Army (NPA) ang pinatay ng mga umano'y rebelde sa Barangay San Antonio sa naturang lungsod, Biyernes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Remark Dogohoy.

Nagagapas ng tubo si Dogohoy kasama ang kaniyang ama at limang iba pa nang barilin umano ng pinaghihinalaang NPA.

Ayon sa pulisya, si Dogohoy at ang kaniyang ama ang mga target ng armadong grupo. Nakatakas lamang ang ama ng biktima sa pamamaril.

Matapos mabaril ng grupo si Dogohoy, sumigaw umano ang mga ito ng “Mabuhay ang CPP-NPA!”

Sa report ng pulisya, dating miyembro ng NPA si Dogohoy at pinaghihinalaan siya ng grupo na nagbibigay ng impormasyon sa militar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.