Ilang kalsada sa Maynila, isasara para sa prusisyon ng Jesus is Lord Church

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2018 12:26 AM

MAYNILA - Isasara ng Manila Traffic Enforcement Unit ang north at southbound lane ng Roxas Boulevard mula TM Kalaw hanggang Katigbak Drive simula alas-10 ng umaga Sabado.

Ito ay para bigyang daan ang prusisyon ng Jesus is Lord Church na nagdiriwang ng ika-40 anibersaryo.

Ang lahat ng trailer trucks o heavy vehicles na nanggagaling sa EDSA-Buendia at gumagamit ng northbound lane ng Roxas Boulevard ay maaaring dumaan sa Pier at kumanan sa Quirino Avenue.

Ang mga sasakyan naman na manggagaling sa Pier Zone o Anda Circle na dumadaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard ay maaaring kumanan sa P. Burgos.

Habang ang mga light vehicles na manggagaling ng Buendia ay maaaring kumanan sa TM Kalaw.

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan muna ang lugar at posibleng buksan ang naturang kalsada kapag nakadaan na ang prusisyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.