2 hinihinalang holdaper patay sa Pasay

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2018 11:41 AM | Updated as of Oct 27 2018 11:58 AM

PASAY CITY - Patay ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki nang maka-engkuwentro ng mga pulis sa Pasay City, Sabado ng umaga.

Ayon kay Supt. Gene Licud, assistant chief for operations ng Pasay City Police, isang babae ang nagsumbong matapos ma-holdap sa may bahagi ng Buendia Avenue. 

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis at inabutan ang riding-in-tandem sa C5 Extension kung saan nakipagbarilan pa umano ang mga ito sa awtoridad.

Positibo silang kinilala ng babaeng biktima dahil sa suot nilang damit.

Isang kalibre .38 na baril naman ang narekober ng awtoridad mula sa mga suspek.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.