PANOORIN: Pag-araro ng 22-wheeler truck sa mga sasakyan

ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2017 08:32 AM | Updated as of Oct 27 2017 08:33 AM

Nahagip ng dash camera ang pag-araro ng isang 22-wheeler truck sa ilang sasakyan sa San Mateo Road, Barangay Batasan Hills, Quezon City nitong Huwebes.

Sa kuhang ito mula sa sasakyan ng Facebook user na si MG Marcus, makikita ang pagbangga ng humaharurot na truck sa isang sasakyan. 

Hindi bababa sa 5 ang nasawi sa insidente, kasama ang isang empleyado ng Bureau of Fire Protection na naipit sa tumagilid na truck.

Agad namang isinugod sa St. Mattheus Hospital ang ilan pang mga biktima.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, mabilis ang takbo ng truck na minamaneho ni Rogelio Kalimutan, 47, kaya’t nabangga nito ang 1 tow truck, 2 kotse, 1 jeep at 1 motorsiklo.

Galing umano sa pier sa Maynila si Kalimutan kasama ang 2 pahinante. Magde-deliver sana sila ng kargang mga bakal sa San Mateo Road nang mangyari ang aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.