Lalaki patay sa pagbangga ng kotse sa crane

Berchan Angchay, ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2017 11:24 AM

DAVAO CITY – Wala nang buhay ang isang 23-anyos na lalaki nang makuha siya ng rescue team mula sa minamanehong pick-up na bumangga sa isang crane, Biyernes ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Breath Beejay Buenaflor.

Hinila ng Central 911 Urban Search and Rescue Team ang pumailalim niyang pick-up sa isang nakaparadang crane sa Diversion Road, Buhangin, pasado ala-1 ng madaling araw.

Ayon kay Rolando Melendrez Hugo, nakakita sa pangyayari, matulin ang takbo ng pick-up. Katabi niya ang sasakyan ng biktima na nag-counterflow papuntang inner lane at saka sumalpok sa crane.

Base sa imbestigasyon ng Buhangin Police, kinuha ng biktima ang puting pick-up ng kanyang ina at pinaharurot ito.

Nakuha pang makapag-blotter ng pamilya ngunit doon lang nila nalaman na naaksidente na pala ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.