Ilang lugar sa Cavite, Metro Manila, mawawalan ng tubig

ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2017 05:07 PM

MANILA - Pansamantalang mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa Cavite at Metro Manila Lunes hanggang Martes sa isang linggo dahil magkakabit umano ng mga bagong pasilidad ang Maynilad.

Ayon sa Maynilad, posibleng humina o mawalan ng suplay ng tubig sa mga sumusunod na lugar Oktubre 30 hanggang 31:

CAVITE

-Bacoor
-Imus

METRO MANILA

-Las Piñas
-Muntinlupa
-Parañaque

Ang pagkaantala sa suplay ng tubig ay dahil sa pag-ayos Putatan Water Treatment Plant ng Maynilad sa Lunes.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.