Stranded nitong Martes ang 67 estudyante sa Mati City, Davao Oriental matapos bumagsak ang isang tulay sa lungsod.
Hindi makadaan ang mga estudyante ng Buso National High School matapos bumagsak sa kasagsagan ng ulan ang itinatayong tulay sa Barangay Tagbinonga.
Ayon sa city disaster risk reduction and management office, agad silang nag-deploy ng heavy equipment.
Hinatiran din ng mga tent at iba pang gamit ang mga stranded na estudyante pati ilang commuter.
Pagsapit ng gabi, binigyan ng hapunan ng city welfare office ang mga na-stranded.
Inaalam na ng lokal na pamahalaan ang karagdagang detalye sa pagbagsak ng tulay.
— Ulat ni Hernel Tocmo
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.