SAPUL SA CCTV: Taxi tumagilid nang mabangga ng kotse sa Makati

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2020 04:41 PM | Updated as of Oct 27 2020 12:07 AM

Tumagilid ang isang taxi matapos bumangga sa kasalubong na sasakyan sa Makati City noong Oktubre 25, 2020.

Tumagilid ang isang taxi matapos bumangga sa kasalubong na kotse sa Barangay Bangkal, Makati City gabi ng Linggo.

Sa kuha ng CCTV ng barangay, makikita ang pagtama ng taxi sa 2 sasakyan sa may kanto ng Evangelista at Bonifacio Streets pasado alas-7:30 ng gabi.

Pagtagilid kasi ng taxi, natamaan naman nito ang kalinyang jeep.

Wala namang nasugatan sa insidente.

Tila lasing ang taxi driver dahil amoy alak siya, ayon kay Police Chief Mstr. Sgt. Jun Monterde ng Makati City Police traffic investigation unit.

Ayon naman sa taxi driver, may hinahabol siyang pasahero kaya hindi nakita ang kasalubong na kotse.

Nagkasundo naman ang mga kampo na mag-ayos na lang, kaya tiniketan na lang ang taxi driver imbes na makulong.

Related video:

Watch more in iWantTFC

-- Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.