PatrolPH

Halos P168-M shabu nasamsam sa 3 araw na drug ops sa Central Visayas

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2020 07:04 PM

MAYNILA — Aabot sa halos P168 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa Central Visayas matapos ang kanilang 3 araw na drug operation sa buong rehiyon.

Ayon kay Police Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro, hepe ng Police Regional Office 7, isinagawa nila ang serye ng mga operasyon mula Oktubre 21 hanggang 24, kung saan naaresto ang 793 drug personalities. 

Sumatutal, aabot sa 24,584 gramo ng shabu ang nasamsam, na may halagang P167,216,867.60. —Mula sa ulat ni Annie Perez

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.