Tricycle driver arestado sa panghoholdap umano ng estudyante sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2019 05:40 PM


MAYNILA — Timbog nitong Biyernes ng tanghali ang isang tricycle driver na suspek umano sa panghoholdap sa estudyante sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Joel Abasco, 36, na miyembro umano ng "Bahala Na Gang." 

Nangyari ang panghoholdap noong Huwebes ng hapon sa harap mismo ng Tondo church. 

Nakuha sa 18 anyos na biktima ang kaniyang bag na naglalaman ng P10,000 cash at smartphone na nagkakahalaga ng P30,000. 

Narekober naman ang mga ninakaw na gamit ni Abasco.

Nakapiit ngayon ang suspek na kinasuhan ng reklamong robbery-hold-up.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.