PatrolPH

Pulisya: Negosyo, droga maaaring motibo sa ambush ng Clarin mayor

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2019 07:44 PM

Watch more on iWantTFC

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Cebu City police sa nangyaring ambush kay Clarin, Misamis Occidental, mayor David Navarro noong Biyernes.

Biyernes nang ratratin ng gunmen si Navarro habang sakay ng police mobile papuntang piskal matapos ireklamo ng panggugulpi sa masahista. 

Ayon sa binuong Special Investigation Task Group Navarro ng Cebu City police, organisadong grupo ang kinabibilangan ng mga pumaslang sa alkalde. 

May natanggap na ring death threat si Navarro bago ang insidente. 

Anggulo sa politika, negosyo, at droga ang tututukan ng task group lalo't napag-alamang kabilang si Navarro sa high-value target (HVT) list at sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga umano'y narco-politician.

"We found out na nasa No. 8 siya na HVT. But 'wag sana nating deretso i-relate doon, marami tayong titingnan na anggulo," sabi ni Police Col. Gemma Vinluan, director ng Cebu City police.

HINAGPIS NG PAMILYA

Tila bangungot naman sa pamilya Navarro ang kinahinatnan ng alkalde. 

"This very barbaric act of killing my brother . . . Really unfair on our part. It's really sad, a nightmare for us," ani Dan Bavarro, kapatid ng mayor. 

Mariin ding itinanggi ng pamilya na dawit sa droga ang alkalde.

Samantala, kinondena din ng Commission on Human Rights ang nangyaring pamamaslang kay Navarro. 

"The commission does not condone the assault charges filed against Mayor Navarro from allegedly beating a massage therapist in Cebu City but this incident does not in any way justify his death . . . Such arbitrary deprivation of life without due process of the law must never be tolerated," sabi ng komisyon. 

Nakatakdang iuwi ang mga labi ng alkalde ngayong Sabado ng gabi.

—Ulat ni Joey Taguba, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.