PatrolPH

Habal-habal driver sa Cebu patay nang binaril ng riding-in-tandem

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2019 05:26 PM

CEBU CITY—Pauwi na sana ang isang habal-habal driver nang barilin siya ng riding-in-tandem sa Barangay Talamban pasado alas-5 ng umaga nitong Sabado.

Bumulagta sa kalsada ang nakamotorsiklo pang biktima na si Cornelio Pansoy Jr., 43.

Kahahatid lang niya sa kaniyang asawa nang patayin ng hindi pa nakikilalalng mga salarin. 

Ayon sa pulisya, may 1 tama ng bala ang biktima sa likod na sanhi umano ng pagkamatay nito.

Sabi naman ng mga kaanak ng biktima, nakatanggap na noon ng death threat si Pansoy.

Inaalam pa ang motibo sa krimen. 

—Ulat ni Joworski Alipon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.