Bahay sa QC lumiyab; P200-K halaga ng gamit napinsala

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2019 09:43 PM

Lumiyab ang isang bahay sa Barangay Bahay Toro sa Quezon City nitong Sabado. Aabot sa P200,000 halaga na pinsala ang naiwan ng sunog.

MAYNILA—Isang bahay ang lumiyab sa Barangay Bahay Toro sa Quezon City nitong Sabado.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay sa Carmel 3 Subdivision pasado alas 6 ng gabi.

Umabot sa unang alarma ang sunog bago ito naapula matapos ang isang oras.

Walang naiulat na sugatan o namatay.

Aabot sa P200,000 halagang pinsala ang naiwan ng sunog.

Iniimbestigahan na ang insidente.

—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.