1 patay sa pag-araro ng truck sa Batangas

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2019 12:11 PM | Updated as of Oct 26 2019 10:11 PM

Isa ang nasawi sa pag-araro ng closed wing van truck sa dalawang establisimyento at isang sasakyan sa Barangay Ginhawa sa bayan ng Tuy, Batangas, Sabado ng umaga.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa inisyal na report, unang inararo ng truck ang gasolinahan bago nagtuloy-tuloy sa isang fast food chain.

Natamaan din nito ang isa pang sasakyan at ang biktima na nagaabang lamang ng masasakyang jeep.

Naipit ang biktima sa pagitan ng ilalim ng truck at pader ng restaurant.

Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan sa biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.