Mga kontrabida sa ‘Ang Probinsyano,’ ‘inilibing’ sa Davao City

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2018 08:16 PM | Updated as of Dec 15 2019 02:05 PM

Watch more in iWantTFC

DAVAO CITY - Isang bakanteng lote sa Barangay Communal sa lungsod na ito ang ginawang "libingan" para sa Halloween.

Ang mga nakalibing dito, mga kontrabida sa Kapamilya teleserye na "Ang Probinsyano."

Mga manggagawa sa isang pagawaan ng muebles ang nakaisip na gamitin ang mga tirang kahoy para gumawa ng mga krus at kabaong.

Dito nila "inilibing" ang mga kontrabida sa "Ang Probinsyano" tulad nina Director Hipolito, General Terante, Senator Silva, Don Emilio, at President Cabrera.

Ayon kay Ely Rose Caoile, ang may-ari ng furniture shop, ginawa nila ito para maakit ang mga tao na bumisita sa kanilang lugar.

Isa si Rex Malacon sa mga nakapansin sa "libingan." Aniya, nakakatakot ito lalo na para sa kaniyang mag-isang naglalakad.

Ang motorcycle rider naman na si Jonathan Isuro, inakalang nagkaroon ng aksidente sa lugar dahil sa mga krus.

Ayon kay Caoile, dadagdagan pa nila ang mga makikita sa libingan. Pinaplano rin nilang magdagdag ng mga naka-costume na halimaw at iba pang nilalang sa mga susunod na araw.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.