Construction worker, patay matapos mahulog sa ginagawang gusali

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2018 05:55 AM

MAYNILA - Patay ang isang construction worker matapos mahulog sa ginagawang gusali sa Villamor, Pasay City Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Christopher Vallecer.

Ayon sa mga kasamahan ng biktima, nakipag-inuman umano si Vallecer bago natulog. Posible umanong naalimpungatan siya at nahulog nang tumayo mula sa ikaapat na palapag.

"Wala naman kasing harang," ani Niko Vidal, kaibigan ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, wala silang nakikitang foul play sa insidente.

Wala pang pahayag ang pamunuan ng construction ukol sa insidente. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.