ALAMIN: Mga kalsadang kukumpunihin sa Metro Manila sa Okt. 26-28

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2018 08:12 PM

MAYNILA—Bago ang inaasahang pagdagsa ng mga motorista para sa Undas ay isasailalim sa road reblocking ang ilang kalsada sa Metro Manila simula Biyernes.

Sabay-sabay sisimulan ng Department of Public Works and Highways ang pagsasaayos ng ilang lanes ng EDSA southbound sa MRT Kamuning Station at EDSA northbound sa tapat ng Trinoma bandang alas-11 ng gabi Biyernes.

Kukumpunihin din ang fourth lane ng Batasan Road mula Sinagtala Street papuntang Batasan-San Mateo Road, pati ang bahagi ng General Luis St., C5 Road southbound sa tapat ng SM Aura, at C5 Road southbound lagpas ng Lanuza Avenue.

Sisimulan rin ang reblocking sa bahagi ng A.H. Lacson Avenue sa Maynila.

Ang Globe telecom ay may naka-schedule ding repairs nitong Biyernes ng gabi sa mga lugar sa Commonwealth Ave. malapit sa Jocfer Building at Zuzua-Regui St. at bahagi ng Roosevelt Ave. northbound.

Ang Manila Water naman ay magkukumpuni sa bahagi ng Visayas Ave. northbound, Visayas Ave. Road 1 intersection at C5 Road southbound sa harap ng Solace.

Ang mga naturang kalsada ay muling magbubukas alas-5 ng umaga sa Lunes kaya't asahan na posibleng bumigat ang daloy ng trapiko sa mga naturang lugar. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.