2 kinasuhan ng murder kaugnay ng Sagay massacre

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2018 10:07 PM

Nagsampa ng kasong murder ang Philippine National Police laban sa 2 suspek kaugnay ng pagpatay sa 9 na magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental noong nakaraang Sabado.

Ayon kay Chief Insp. Robert Mansueto, hepe ng Sagay City Police, ang dalawang respondent na hindi muna pinangalanan ay may kaugnayan umano sa New People’s Army. 

Nahaharap ang 2 at apat na John Doe sa 7 bilang ng murder. Maaari pa umano itong madagdagan, ayon kay Mansueto.

Nagsumite ang pulisya ng 9 na affidavits mula sa mga testigo.

Tinuturing na rin ng pulisya na case cleared ang insidente.

Nagbigay naman ng financial assistance ang Department of Agriculture sa mga pamilya ng biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.