Container van, sinunog ng mga armadong lalaki sa Surigao del Sur

May Diez, ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2017 01:57 AM

Bukod sa pagsunog, pinaulanan din ng bala ng 15 armadong lalaki ang isang container van sa Surigao del Sur, Miyerkoles. Handout

Sinunog ng mga armadong lalaki ang isang container van sa Barangay Banahao, bayan ng Lianga, Surigao del Sur Miyerkoles ng tanghali.

Ayon sa pulisya, pinaniniwalaang miyembro ng New People's Army ang nasa 15 armadong lalaki na sumunog at nagpaulan ng bala sa container van.

Ayon sa driver ng van na si Danilo Quito, patungo siya ng Panabo City para i-deliver ang kargang mahigit 1,000 kahon ng mga saging na pagmamay-ari ng kompanyang Dole Philippines. 

Tinatayang nagkakahalaga ang mga saging ng mahigit P200,000.

Narekober sa lugar ang iba’t ibang klaseng bala ng mataas na kalibre ng armas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.