5 sugatan sa aksidente ng jeep sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2017 02:05 PM

Photo courtesy: Adrian Ramirez

MANILA - Lima ang sugatan nang maaksidente ang isang jeep sa Marcos Highway sa Barangay Mayamot, Antipolo, Rizal Huwebes ng tanghali.

Ito rin ang lugar kung saan tumagilid ang isang jeep nitong Miyerkoles na ikinasugat naman ng 6 na pasahero.

Ayon sa saksing si Adrian Ramirez, sumampa sa gutter ang jeep na may plakang NVC 705, bago sumalpok sa pader ng isang gasolinahan.

Ayon sa driver ng jeep na kasama rin sa mga sugatan, nawalan ng preno ang sasakyan.

Dinala sa ospital ang mga biktima. --ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.