Nagdulot ng pagbaha sa ilang bahagi ng Taft Avenue sa Maynila ang walang humpay na pag-ulan nitong Martes.
Nagkaroon ng gutter-deep na pagbaha sa panulukan ng Taft Avenue at Pedro Gil Avenue gayundin sa bahagi ng Taft Avenue-United Nations Avenue.
Nagdulot ng pagbabagal sa daloy ng trapiko ang pagbaha habang ilang pasahero rin ang na-stranded habang naghihintay ng masasakyang mga pampasaherong jeepney.
Dahil sa patuloy na pag-ulan, nagsagawa ng roving operation ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga pangunahing lansangan.
Sa Quezon City, wala naitalang pagbaha sa bahagi ng Biak na Bato at Maria Clara Street sa Barangay Sto Domingo na kalimitang binabaha tuwing malakas ang pag-ulan.
Nakapagtala naman ng pagtaas ng water level sa Marikina river. Sa monitoring ng Marikina Rescue 161, umabot sa 13.7 meters ang water level sa ilog alas otso ng gabi, mas mataas ng 0.7 meters kumpara sa 13 meter water level na naitala alas-6 ng gabi.
Itinataas ang unang alarma sa Marikina River sa oras na umabot sa 15 meters ang taas ng tubig aa ilog.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.