P34-M halaga ng 'shabu' nasamsam, 2 huli sa Taguig drug bust

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2020 12:58 PM

Retrato mula sa Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region

MAYNILA — Aabot sa P34 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation sa Taguig City, kung saan naaresto ang 2 lalaki, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa ulat ng PDEA, isinagawa ang operasyon noong gabi ng Biyernes sa Col. Martines Street sa South Signal Village.

Nahuli ang 2 suspek matapos umanong kumagat sa patibong ng poseur-buyer ng ahensiya.

Nasamsam mula sa mga suspek ang aabot sa 5 kilo ng hinihinalang shabu, boodle money at isang motorsiklo, ayon sa PDEA.

Nahaharap umano ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.