Police station sa Bukidnon, pinasabugan

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2019 02:03 AM

CAGAYAN DE ORO—Sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa likuran ng isang police station sa Quezon, Bukidnon Huwebes ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Col. Mardy Hortillosa, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) Northern Mindanao, nasabugan ang bahagi ng mess hall ng Quezon Municipal Police Station sa Barangay Libertad.

Walang nasaktan sa insidente. Agad namang tumakas ang nagpasabog ng IED.

Inaalam ngayon ng pulisya kung kagagawan ito ng mga rebelde dahil sa sunod-sunod na operasyon ng militar sa Quezon.

Naka-red alert na ang lahat ng police station sa Bukidnon.—Ulat ni Angelo Andrade, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.