Planta ng yelo, nasunog sa Mandaluyong

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2019 06:14 PM

MAYNILA—Nasunog ang isang planta na gumagawa ng yelo sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong nitong Biyernes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog 4:20 ng hapon at umabot ito sa unang alarma bago ito naapula mga alas 5 ng hapon.

Walang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng naturang sunog.

—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.