Nasa 300 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Boracay

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2019 12:34 AM

MALAY, Aklan—Nasa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa Sitio Ambulong, Barangay Manoc-Manoc, Boracay Island nitong Huwebes.

Karamihan sa mga nasunog ay mga bahay, tindahan, at boarding house na gawa sa light materials. Wala namang naitalang nasugatan sa insidente.

Naiwang niluto ang sanhi ng sunog na umabot sa general alarm, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Nahirapan ang mga bombero sa pag-apula ng apoy dahil sa makitid na daan. Inaalam pa ng BFP ang halaga ng pinsala ng sunog.

Pansamantala munang manunuluyan sa covered gym ng barangay ang mga apektadong pamilya.—Ulat ni Jennifer Garcia Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.