Lalaki tiklo dahil sa mga 'paltik' sa Pateros

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2019 03:45 AM

MAYNILA—Arestado ang isang lalaki matapos siyang makuhanan ng mga paltik at hindi lisensiyadong baril sa Pateros.

Kinilala ang suspek na si Argel Fernando, 36 anyos, residente ng Hermosa St., Barangay San Roque.

Ayon kay Police Capt. Jerven Galvez ng Pateros police, nilusob ng mga pulis ang bahay ni Fernando sa bisa ng search warrant na inilabas ni Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 152 Judge Danilo Cruz.

Nakuha mula sa bahay ng suspek ang 4 na paltik o improvised firearm, isang kalibre .38 na baril na may lamang 5 live ammunition at 9 na piraso ng 12 gauge cartridge shell.

Kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kahaharapin ng suspek.—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.