Buntis na nakapiit dahil sa child abuse, nanganak sa police station

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2019 08:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

DAVAO CITY — Isang buntis na nakulong noong Miyerkoles dahil sa kasong child abuse ang nanganak nitong Huwebes sa loob mismo ng police station dito.

Ilang oras matapos mahuli ang buntis na si alyas "Remi" na may warrant of arrest sa kasong child abuse, napaanak ito sa loob ng Sta. Ana police station.

Ayon sa isa sa mga nagpaanak na si Police Cpl. Rhena May Chavez, biglang humiga sa upuan si Remi dahil papalabas na umano ang bata. 

Tumawag sila sa Central 911 para magparesponde.

Pero matapos ang 1 minuto ng pagsigaw ni Remi, lumabas na ang ulo ng bata kaya ang 3 policewoman na lang ang nagpaanak sa suspek.

Pagdating ng Central 911, sila na lamang ang nagputol ng umbilical cord.

Dinala sa Southern Philippines Medical Center si Remi para maobserbahan at kasalukuyan pa ring binabantayan ng pulisya.

—Ulat ni Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.