ABISO: Ilang kalsada sa Metro Manila aayusin sa weekend

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2019 03:37 PM

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking o pagkukumpuni sa ilang parte ng Metro Manila simula madaling-araw ng Oktubre 26, Sabado. 

Magtatagal ang pagkukumpuni hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Oktubre 28. 

Narito ang mga apektadong kalsada: 
 

SOUTHBOUND:

  • EDSA National Shrine hanggang West Ave. (unang lane mula sa bangketa) 
  • Mindanao Ave. kaharap ng Caltex Gas at pagkatapos ng Tandang Sora Ave. (ika-2 lane mula sa bangketa)
  • EDSA bago mag-Estrella (outer lane)
  • EDSA Camp Crame Gate hanggang pagkatapos ng Annapolis St. (katabi ng MRT)
  • G. Araneta Landragum St. hanggang Samar St.

EASTBOUND:

  • General Luis St. Rebisco Road hanggang SB Diversion Road
  • Elliptical Road pagkatapos ng Maharlika St. (ika-6 na lane mula sa outer sidewalk) 

WESTBOUND: 

  • Quirino Highway Quezon City Prime Rose hanggang Kingfisher (loobang lane) 

NORTHBOUND:

  • A. Bonifacio Ave. malapit sa Selecta Drive (ika-2 lane mula sa bangketa)
  • Katipunan Ave./C-5 pagkatapos ng CP Garcia St. sa harap ng UP Town Center (truck lane)
  • EDSA pagkatapos ng Aurora Boulevard hanggang New York St. (ika-3 lane mula sa bangketa

Nag-abiso ang MMDA sa mga motorista na maghanap na lang muna ng mga alternatibong ruta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.