Higit P2 milyong halaga ng marijuana, nasamsam sa Sarangani

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2018 01:54 AM | Updated as of Oct 25 2018 08:22 AM

SARANGANI - Nadiskubre ng mga awtoridad nitong Martes ang isang plantasyon ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P2.1 milyon sa bayan ng Malungon, Sarangani.

Ito'y matapos magsagawa ng buy-bust operation sa Sitio Morok, Barangay Datal Batong kung saan ikinasawi ng isang suspek habang nahuli naman ang kasamahan nito.

Ayon kay Kath Abad, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12, nagpaputok umano ang isang suspek nang nakita ang mga ahente ng PDEA.

Nakuha sa mga suspek ang 6 na kilo ng hinihinalang marijuana na may street value na P600,000.

Dito na napag-alaman ng mga awtoridad na may plantasyon ng marijuana malapit sa lugar.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nahuling suspek. - ulat ni Francis Canlas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.