Higit P1 milyong halaga ng shabu nasabat sa Parañaque

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2018 08:04 PM


MAYNILA - Nasamsam ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu mula sa isang dating sundalo sa Parañaque City nitong Huwebes.

Arestado ang target ng buy-bust operation na isang alyas Bossing matapos umano magbenta ng 200 gramo ng shabu sa awtoridad. Kalaboso rin ang dalawang kasamahan ng suspek.

Bukod sa ilegal na droga na may market value na nasa P1.3 milyon, nakuha rin sa grupo ang isang kalibre .45 na baril at mga bala.

Ang target na sundalo ay napag-alamang sinibak sa serbisyo ngunit inaalam pa kung ano ang naging kaso nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.