PatrolPH

'Drug den' na katabi ng bahay ng kapitana, ni-raid

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2018 05:32 AM | Updated as of Oct 25 2018 09:00 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Sinalakay ng mga pulis Huwebes ng hatinggabi ang isang hinihinalang drug den na katabi lang ng bahay ng barangay chairwoman sa Abad Santos, Tondo, Maynila.

Anim katao, kabilang ang isang tanod, ang nahuli sa loob ng bahay. Nakuha sa kanila ang 8 sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Dati na umanong alam ng kapitana ang mga aktibidad sa loob ng bahay lalo na't iba't ibang tao ang umuuwi rito. Pinagsabihan na rin niya ang mga suspek.

"Pinagsabihan ko na, isang pader lang ang pagitan natin, sana tumigil na... pero 'di ko alam na sasalakayin ngayon, nagulat na lang ako," ani Carmelita Francisco, chairwoman ng Barangay 212.

Ang umano'y drug den ay malapit din sa Manila Police District (MPD) Station 7.

Itinanggi naman ng mga suspek na gumagamit sila ng shabu.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.