Bus bumangga sa nakaparadang trak sa La Union; 4 sugatan

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2018 07:51 AM

MAYNILA - Sugatan ang 4 na pasahero matapos bumangga ang sinasakyan nilang bus sa isang nakaparadang trak sa Pugo, La Union, Huwebes ng madaling araw. 

Ayon sa mga pulis, sinubukang i-overtake ng bus ang trak sa highway sakop ng Barangay Talima. Pero dahil may kasalubong na isa pang bus, daglian itong umiwas at saka bumangga sa trak.

Sugat at galos lamang ang tinamo ng 4 na pasahero na agad ring binigyan ng paunang lunas. Nasa kustodiya naman ng pulisya ang drayber ng bus.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.