Bangkay ng 2 lalaki, nadiskubre sa Toledo City

Leleth Rumaguera, ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2018 11:50 AM

Wala pang pagkakakilanlan ang mga biktimang natagpuang nakahandusay sa Sitio Kambaye sa Barangay Campo 8 sa Toledo City. Leleth Rumaguera, ABS-CBN News

TOLEDO CITY – Dalawang lalaki ang natagpuang patay sa Sitio Kambaye, Barangay Campo 8 sa lungsod na ito, Huwebes ng umaga.

Wala pang pagkakakilanlan ang 2 lalaki.

Ayon sa isang residente, nakarinig siya ng mga putok ng baril bandang alas-2 ng madaling araw. Nakita rin niya ang isang sasakyan na huminto sa lugar kung saan nadiskubre ang mga bangkay.

Nakikipag-ugnayan na ang awtoridad sa mga karatig lugar ng Minglanilla at Talisay City sa pag-asang matukoy ang mga biktima.

Nakasuot ng blue na sleeveless at gray na basketball shorts ang isang lalaki habang puting pang-itaas at dirty white shorts naman ang damit ng isa pang biktima.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.