TINGNAN: Droga, cash, patalim nasabat sa raid sa kulungan sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2017 11:40 AM

MAYNILA - Nakumpiska ng mga awtoridad ang mga sachet ng hinihinalang shabu, mga patalim, cash at mga cellphone sa isinagawang raid sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center ngayong Miyerkoles.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Central Visayas, kabilang rin sa mga nasabat ng mga nagsagawa ng raid ang mga dokumento patungkol sa transaksiyon sa ilegal na droga, na umano'y nagkakahalaga sa kabuuang P2 milyon.

Batay sa mga nakuhang dokumento, lumilitaw na sa loob ng pasilidad isinasagawa ang komunikasyon ng mga nagbebenta at bibili ng ilegal na droga, pero ang aktuwal na transaksiyon ay nangyayari na sa labas ng kulungan.

Ilan sa mga kontrabandong nakumpiska sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center ngayong Miyerkoles. Angelica Fay Saniel, ABS-CBN News

Kasalukuyan pang nag-iimbentaryo ang mga awtoridad sa mga nakumpiskang kontrabado sa naturang kulungan. Pero batay sa mga larawang kuha ng ABS-CBN News, kabilang sa mga nasabat ang isang mahjong set, mga bingo card, calculator, radyo, speaker, at ilan pang gadget.

Ang raid ay isinagawa ng PDEA, kasama ang Provincial Public Safety Company of Cebu police, at Cebu Provincial Security Department, bilang bahagi ng Operation Greyhound upang matigil ang pagpuslit ng kontrabando sa loob ng kulungan.

--ulat mula kay Angelica Fay Saniel, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.