Lasing na sekyu, pinatay ng katrabahong naka-duty

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2017 08:34 AM

MANILA - Patay ang isang lasing na security driver matapos barilin ng kanyang katrabaho sa Malate, Manila Miyerkoles. 

Kuwento ng mga kapwa nila empleyado, off-duty na at galing sa inuman ang biktimang si Mario Corpus nang magpumilit itong pumasok sa pinagtatrabahuhang parking lot ng armored vehicles sa Singalong Street, alas-2:30 ng umaga. 

Pinigilan siyang makapasok ni Julius Igat, guwardyang naka-duty, dahilan para magkainitan sila ni Corpus. 

Sinubukan ng isa pang security driver na si Jonathan Lazarte na awatin sina Corpus at Igat, pero natamaan siya ng bala sa hita nang mauwi sa pamamaril ang away. 

Tumakas naman si Igat matapos mapatay si Corpus. 

Ulat nina Ernie Manio at Lyza Aquino, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.