Lalaking natutulog sa kariton, pinatay ng riding-in-tandem

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2017 07:48 AM

MANILA - Patay ang isang lalaking natutulog sa kariton matapos pagbabarilin ng mga naka-motorsiklong gunman sa Bonifacio Street, port area sa Maynila, Miyerkoles. 

Dead on the spot dahil sa mga tama ng bala sa ulo at tainga ang biktimang si Sonny Boy Lapore, 34-anyos na tindero mula sa Cavite, ayon kay PO3 Michael Marragun. 

Maaaring may kinalaman sa droga ang krimen dahil kilala si Lapore na nagtutulak ng bawal na gamot sa lugar, dagdag ng kagawad na si Eleterio Yagul. 
 
Nakuha sa crime scene ang isang basyo ng kalibre .45 na baril. 

Una nang inanunsyo ng Philippine National Police na tututukan nito ang mga krimeng may kinalaman sa riding-in-tandem, matapos tanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulisya mula sa pangunguna sa kampanya laban sa ilegal na droga. 

 

Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.