Lalaki sinaksak ng kapatid dahil sa biro sa sugal

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2017 09:32 PM

Nagpapagaling sa ospital si Rocky Manglana matapos itong saksakin ng kapatid. Photo courtesy of Nueva Era police

NUEVA ERA, Ilocos Norte - Nagtamo ng sugat sa likod ang isang barangay tanod dito matapos saksakin umano ng nakatatanda niyang kapatid dahil sa biro sa sugal.

Kinilala ang biktima na si Rocky Manglana na sinaksak umano ng kaniyang kapatid na si Crisanto Manglana nitong Martes ng gabi sa kanilang bahay.

Lumalabas sa imbestigasyon na biniro ni Crisanto ang kapatid na huwag na lang pupunta sa sugalan dahil matatalo siya.

Nagalit ang biktima, dahilan para magsuntukan ang dalawa. Nakakuha naman ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang nakababatang kapatid. 

Lumalabas na parehong nakainom ng alak ang magkapatid nang mangyari ang insidente. Tumakas naman ang suspek matapos ang pananaksak.

Nagpapagaling pa sa ospital si Rocky at wala pang isinasampang reklamo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.