Jeep tumagilid sa Antipolo, 6 sugatan

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2017 09:27 AM | Updated as of Oct 25 2017 10:53 AM

Anim na katao ang sugatan matapos na tumagilid ang isang pampasaherong jeep sa kahabaan ng Marcos Highway sa Barangay Mayamot, Antipolo City, Miyerkoles ng umaga.

Sa lakas ng impact, wasak na wasak ang unahang bahagi ng jeep at maging ang dalawang gulong nito ay humiwalay na sa katawan.

Ang naturang jeep na biyaheng Cogeo ay may plakang TVL 114 at minamaneho ni Geraldo Macarubbo. Kabilang si Macarubbo sa mga isinugod sa pagamutan.

Mabilis umano ang takbo ng jeep at nawalan ng preno. 

Pero ayon sa mga pasahero, naabisuhan pa sila ni Macarubbo na maghanda dahil nawalan na siya ng preno, bago tuluyang ibinangga ang jeep sa concrete barrier sa harapan ng isang gasolinahan. 

Agad namang dinala sa Antipolo District Hospital at Amang Rodriguez Hospital ang mga sugatang pasahero.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.