Guro, bantay, tinuklaw ng ahas sa classroom

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2017 05:47 PM

Nakagat ng ahas ang isang guro, at ang bantay ng isang estudyante sa Barangay Nalasin, Solsona, Ilocos Norte noong Lunes.

Kinilala ang guro na si Sonny Dumlao, at ang bantay na si Marites Danzalan.

Inaayos umano ng guro ang kurtina ng day-care center nang makita ang nakabiting ahas, na inakala niyang kahoy.

Kinagat ng ahas si Dumlao at pagkatapos ay si Danzalan naman ang tinuklaw nito. 

Nagtamo lamang ng kagat sa kamay ang dalawang biktima.

Halos isang metro ang haba ng ahas na pinatay ng mga residente dahil makamandag umano ito. 

Nasa magandang kondisyon naman na ang mga biktima matapos maturukan ng anti-venom. -- Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.