Erap absuwelto sa P2.9-B tax case

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2017 03:50 PM

MANILA - Inabsuwelto ng Court of Tax Appeals, si dating pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph Estrada mula sa kanyang P2.9 bilyon na tax evasion case, Miyerkoles. 

Ibinasura rin ng Court of Tax Appeals ang petition for review dahil sa kabiguan umano ng BIR na bigyan ng pagkakataon si Estrada para masagot ang kinahaharap na kaso. 

Giit ng korte, hindi dapat ginawing tanging batayan ng ahensya ang paghatol ng plunder kay Estrada upang patawan ito ng buwis. 

Ipinag-utos ng BIR noong 2008 na magbayad si Estrada at kanyang maybahay ng P2.9 bilyong tax liabilities mula sa "Jose Velarde" trust account. Iginiit ng BIR na kay Estrada ang naturang account, batay na sa paghatol sa kanya ng Sandiganbayan ng 2 counts ng plunder. 

Itinanggi ni Estrada na kanya ang Jose Velarde account at nagharap ng ilang testigo, kabilang na ang bise presidente ng Equitable PCI Bank.

Ulat ni Jeff Hernaez, DZMM 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.