MANILA - Nagmartsa ang daan-daang magsasaka mula Welcome Rotonda sa Quezon City pupuntang University of Santo Tomas (UST) sa Maynila para isulong ang reporma sa lupa at kondenahin ang pagpatay umano sa mga aktibista mula sa kanilang hanay.
Galing sa Central Luzon, Cordillera, Southern Luzon at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ang mga lumahok sa "Lakbay Magsasaka" mass action.
Alas-11 ng umaga nagdaos ang grupo ng solidarity Mass nang makarating sa Santisimo Rosario Parish sa UST.
Mula roon, nakatakda silang magmartsa patungong Mendiola, kung saan sila magdadaos ng program laban sa martial law sa Mindanao.
Susunugin nila sa lugar ang isang effigy ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inaasahang aabot sa 5,000 magsasaka ang sasama sa rally hanggang Miyerkoles ng hapon. Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.