Broadcaster sa Surigao, pinatay ng riding-in-tandem

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2017 10:01 AM

BISLIG, Surigao del Sur - Patay ang isang komentarista sa radio matapos barilin ng mga naka-motorsiklong gunmen sa lungsod na ito, Martes ng gabi. 

Pauwi na ang biktimang si Christopher Lozada, 29, kasama ang kanyang nobya nang pagbabarilin sila ng mga suspek. 

Nasugatan sa insidente ang kasintahan ni Lozada habang nakatakas naman ang mga gunman. 

Iniimbestigahan pa ang motibo sa krimen.

Una nang inanunsyo ng Philippine National Police na tututukan nito ang mga krimeng may kinalaman sa riding-in-tandem, matapos tanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulisya mula sa pangunguna sa kampanya laban sa ilegal na droga. 

 

Ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.