MAYNILA—Pinayuhan ng Manila Water at Maynilad ang kanilang mga kostumer na mag-imbak ng tubig dahil sa pagsisimula ng rotational water interruption sa Huwebes, Oktubre 24.
Magpapatupad ang mga water utility firm ng service interruption para matipid ang suplay ng tubig sa Angat Dam hanggang sa susunod na taon.
Maaaring tumagal ng 4 hanggang 10 oras ang water interruption sa mga lugar na sakop ng Manila Water, habang 6 hanggang 18 oras naman na water interruption sa mga kostumer ng Maynilad.
Apektado ng daily rotational water interruption ang mga sumusunod na lugar:
- Bulacan
- Bacoor City, Cavite
- Cavite City
- Imus City, Cavite
- Kawit, Cavite
- Noveleta, Cavite
- Rosario, Cavite
- Caloocan City
- Las Piñas City
- Makati City
- Malabon City
- Mandaluyong City
- Manila
- Marikina City
- Muntinlupa City
- Navotas City
- Parañaque City
- Pasay City
- Pasig City
- Pateros
- Quezon City
- San Juan City
- Taguig City
- Valenzuela City
- Angono, Rizal
- Antipolo, Rizal
- Baras, Rizal
- Binangonan, Rizal
- Cainta, Rizal
- Jalajala, Rizal
- Rodriguez, Rizal
- San Mateo, Rizal
- Taytay, Rizal
- Teresa, Rizal
Narito ang buong schedule at mga lugar na apektado ng water service interruption ng Manila Water at Maynilad.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Manila Water, Maynilad, water interruption, water shortage, water service, water supply, Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Tagalog news