Nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang lalaki sa buy-bust operation sa Taguig City, sabi ngayong Huwebes ng mga awtoridad.
Hinuli ang suspek matapos makipagtransaksiyon sa pulis na nagpanggap na buyer, ayon kay Mary Arguelles, district officer ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Aabot sa kalahating kilo ng hinihinalang shabu ang nakuha umano sa lalaki.
Target din ng operasyon ang asawa ng suspek pero hindi siya naabutan sa lugar nang ikasa ang operasyon, ani Arguelles.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, buy-bust operation, war on drugs, shabu, PDEA, Taguig City